Tuhog #1
x
Sa lugar na kung tawaging "Palm City Capital of the South" , matatagpuan ang mga masasarap at sari-saring pagkaing kalye na kinahuhumalingan at binabalik balikan ng mga taong naririnahan rito: kwek kwek, fish ball, isaw, pruben at kung ano ano pa.
Likas na sa mga tagumeños ang kumain ng mga pagkaing kalye . minsan, ginagawa na itong hapunan ng mga tagumeños dahil nga sa sarap ng mga pagkaing ito. Kahit hindi masustinsiya ay ibinalewala nalang ito ng mga mamimili dahil nga sa hindi ito masakit sa bulsa at kayang kayang bilhin ng sinoman.
Bukod sa street children na nagkalat sa Tagum, (may konek?) nagkalat at bahagi na rin ng kulturang Pilipino ang pagkahilig sa street foods o pagkaing kalye. Kahit saang kanto ka ng Kamaynilaan o karatig nitong probinsya ay laganap ang masasarap na street foods. Patok na patok ‘to sa’ting mga Pinoy dahil bukod sa mura na masarap pa at kung medyo masuwerte ka, may bonus pang sakit na makukuha. Kung bakit naman kasi marami tayong kababayang Pinoy na nanamantala para lang madagdagan ang kinikitang kaunting barya, mabuti sana kung pera-pera lang pero kaligtasan na ng mamimili ang pinag-uusapan dito hindi lang basta pera. Madalas, kahit na gusto mong bumili ng mga street food magdadalawang-isip ka dahil sa negatibong mga bagay na nababalitaan natin ukol dito. Nakalulungkot lang na marami ang walang pakialam sa kalusugan ng iba kumita lang ng mas malaki. Mga taong walang pakundangan sa kapakanan ng kalinisan at kalusugan.
Lubhang nakatatakot at nakababahala na nga ang pagbili at pagkain ng ating paboritong street foods. Hindi ito simpleng biro na dapat balewalain at tawanan lang. Walang mahigpit at intensitibong kampanya laban sa maruming pagkain kaya dapat tayo na mismo ang mag-ingat sa kung anong ipapasok natin sa ating bibig at sikmura dahil kung medyo mahina ang ating mga pangontra sa virus at bacteria malamang na tayo’y maospital o kaya’y mamatay. Walang naaresto, hinabla at ikinulong na tindera ng dugyot na mga pagkain kahit lantaran na itong naaktuhan kaya’t tayo na lang ang dapat na mag-ingat. Saka natin pagsisihan ang ating pagtitipid o pagwawalang-bahala ‘pag mayroon ng mangyaring masama sa ating kalusugan. Kunsabagay, ano pa ba ang malinis na pagkain? Paano natin malalaman kung ang baboy ay may swine flu? Kung ang baka ay may foot and mouth disease? Kung ang isda ay may formalin at red tide? Kung ang manok ay may birds’ flu? Kung ang ating prutas at gulay ay may halong formaldehyde o pesticide? Pero kahit na… mabuti pa rin ang nag-iingat.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento